SINUPORTAHAN ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ukol sa temporary terminal para sa mahigit na 500 bus na magmumula sa Southern Luzon.
Magtatalaga ng karagdagang bilang ng mga police at traffic enforcer ang Muntinlupa sa inaasahang matinding trapiko sa siyudad.
Sinabi ni Muntinupa City Administrator, Engr. Allan Cachuela, bilang tulong ng pamahalaang lungsod sa MMDA, magtatalaga sila ng karagdagang puwersa ng enforcers, na magmumula sa Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB), Public Order and Safety Office (POSO) at Philippine National Police (PNP), kasabay ng pagpapatupad ng mas mahigpit na batas-trapiko ang pamahalaang lokal sa mga bus.
Dagdag ni Cachuela, magiging epektibo ang pagpapatupad ng temporary terminal sakaling maaprobahan na ng Filinvest Corporation. (JAJA GARCIA)