Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si misis ang gusto sa panaginip

00 Panaginip

Gud am po Señor H,

Mgttanong lang po ako Señor, mnsan ksi ay mdlas ako mnginip na nakkpag sex ako, hndi ko amn po kilala yung bbae, pero aaminin ko na kpag tigang ako ay mdalas yun, s probnsya ksi mrs ko at dto s pasay work ko, peo gsto ko sana mrs ko mpangnpan ko, slamat- kol me badboy bugoy—dnt post my cp no tnx…

To Badboy Bugoy,

Ang panaginip ukol sa sex ay may kaugnayan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspeto ng iyong sarili o pagkatao. Maaaring senyal ito sa iyo upang mabatid na naghahanap ang iyong pisikal na bahagi o katauhan ng init at excitement ng sex. Maaaring bunga rin ito ng repressed sexual desires, hindi mo ito mailabas sa reyalidad kaya lumalabas ito sa iyong panaginip na kadalasan, may bahagi o anggulong hindi maintindihan o nagsisilbing palaisipan. Bunga rin ito ng pagiging malamig, hindi mapag-eksperimento o kakulangan sa komunikasyon ninyong mag-asawa na may kinalaman sa sex. Posible rin na ikaw ay nagdududa o seloso kaya lumalabas ito sa iyong panaginip. Subalit kung ito namang bungang-tulog mo ay walang kaakibat na malisya o rason para mangyari, maaaring ito’y nagkataon lamang bunga ng maraming bagay na malayo naman sa katotohanan. Ngunit dahil tigang ka sa sex, ito ang pinakaposibleng rason kaya ganito ang tema ng iyong panaginip. Natural lang na mag-enjoy ka sa panaginip mo sa ganitong bagay na gusto mong mangyari sa reyalidad. May mga pagkakataon pa na may kasamang wet dreams ito.

Hindi ko tiyak kung paano mong mapapanaginipan ang misis mo na nagse-sex kayo. Pero subukan mong isipin siya lagi bago ka matulog, lalo na sa paraang sensuwal tulad ng honeymoon ninyo o ng sexual fantasy mo kasama ang iyong misis at baka sakaling umubra. Good luck sa iyo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …