Sunday , November 17 2024

Napapanahong Selebrasyon ng NDCP

00 PALABAN gerry

ANG 51st Foundation Day Anniversary ng National Defense College of the Philippines (NDCP) nitong nakaraang linggo ay isa sa mga napapanahong selebrasyon na maituturing na malalim ang kahulugan, dahil sa kahalagahan sa pambansang seguridad ng ating bansa.

****

Ang pagsaludo ko ay dahil sa katatagan nito na ipagpatuloy ang katangian at simbolo nito bilang kaisa-isahang institusyon na malawak ang pag-aaral upang palalimin ang ating pag-unawa sa napakaraming aspeto’t dimensyon ng pambansang seguridad. Hindi madaling tapatan ang pagtaguyod nito, kasama na ang mga hirap at pawis na kanilang dinaanan para maging isang respetadong institusyon para sa defense and security education, pagsasanay at pananaliksik.

Forging Global Relationships for Regional Security and Development ang tema ng isang linggong paggugunita ng NDCP. Napakahalaga ng usaping ito sapagkat ang pakikipag-ugnayan sa buong mundo ngayon ay maituturing na susi sa ating pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa buong mundo at lalo na rito sa ating bansa.

Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay pinag-iisa ng modernong komunikasyon dala ng teknolohiya, mas kinakailangan nating maging eksperto o kung kinakailangan ay maging scientist tayo sa mundo ng pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan. Dahil kung kulang ang ating kaaalaman baka masayang ang pagod natin at ang pinakamalungkot nito ay baka maging sanhi pa ng pagsama ng ating imahe sa buong mundo. Ito ay maihahalintulad natin sa ilan nating mga kasamahan sa gobyerno na minsan ay pumupunta sa isang pagpupulong na kulang ang paghahanda at kaalaman sa mga bagay na dapat ay malawak ang kanyang pang-unawa. Kaya’t ang kinatapusan, imbes na mai-promote niya ang gobyerno, frustration ang nararamdaman ng ordinaryong mga mamamayan.

Dito ko nakikita ngayon ang relevance ng NDCP dahil dito ay malalalim na pangangailangan ng gobyerno na may kinalalaman sa pambansang seguridad ang pinag-aaralan. Ang mga nagtuturo rito ay mga piling guro na may pangalan galing sa mga kilalang unibersidad sa ating bansa, kasama na riyan ang mga top executive ng malalaking private at government institution.

Ang lahat nang ito ay mas lalo pang magkakaroon ng kahulugan dahil sa napipintong pagpapatupad ng ASEAN Community sa susunod na taon na marami ang mga usapin na dapat, may sapat tayong kaalaman sa implikasyon nito sa dimensyon ng politika, ekonomiya, society, kultura, technology, science at military ng pambansang seguridad ng ating bansa.

Dagdag pa rito ang mga usapin na may kinalaman sa West Philippine Sea na dapat ay malawak din ang ating kaalaman dito. Ibig sabihin, mas nagiging mas makahulugan ang existence ng NDCP ngayon.

Kaya sa mga bumubuo ng NDCP, ang aking pagbati sa inyo.

Gerry Zamudio

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *