NILINAW ng Malacañang na wala silang balak tapatan ang ikinakasang kilos-protesta ng mga organizer ng Million People March sa Agosto 25 laban sa pork barrel.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang palutang ng Bayan Muna na magsasagawa ang administrasyon ng counter-rally sa katapusan ng buwan at tatawaging ‘Yellow Rally.’
Ayon kay Valte, kung mayroong mag-oorganisang cause-oriented group ay hindi nila pipigilan at malaya silang makapaglulunsad ng kilos -protesta.
“Wala naman po. Malaya po sila, syempre, na magbuo ng kanilang kilos protesta at ang nai-abiso nga daw po sa amin ay sa August 25,” ani Valte. “Wala akong.. Oo, nakita ko rin ‘yung news article kanina. Wala ho akong.. Sa akin pong pagkakaalam ay wala ho kaming ginagawang rally or anything like that at the end of the month. I don’t know about some of the other civil society organizations, perhaps, or ‘yung mga cause-oriented groups din. Of course, we don’t we don’t control them. We don’t have an influence over them, so siguro po.. at least on the side of government… wala pong ganyan.”