Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kudos NBI Anti-Organized Crime Transnational Division!

00 parehas salgado

MAGALING talaga ang NBI.

Sa pagkakaaresto kay retired General Jovito Palparan na sinabing maraming paglabag sa human rights na kanyang ginawa noong Army Commander ng Bulacan.

Kaya natunton siya ng NBI sa Valenzuela St., sa Old Sta. Mesa, Maynila ay isang taon siyang minanmanan ng Elite Forces ng NBI at NBI Anti Organized Crime Transnational Division sa pamumuno ng kanilang hepe na si Atty. Rommel Vallejo. Ang humahawak ng kaso ang magigiting at magagaling na NBI agents sa pangunguna ni Special Investigator Rodel Velez.

Tatlong araw nilang minanmanan nang may nagbigay ng impormasyon at agad tumalima ang mga nasabing NBI agent sa pangunguna ng kanilang executive officer na si Jerry Avirra. Kasama niyang ang na matitikas at magagaling na NBI agents na sina Atty. Dennis Asistio, Atty. Aries Adolfo, Atty. Catherine Nolasco, Special Investigators Arman Abozar, Marfil Baso, Darwin Francisco, Cesar Rivera, Pablo Keryao, John Agutauhay, Rey Gabionza at Aldrin Mercader at lahat ng operatiba ng AOCTD. Kasama rin sa nasabing operasyon ang Naval Intelligence Security Force, Counter Intelligence at mga reserve Command, Task Force Runway. Magagaling din sila at dapat papurihan.

Arestdo rin si Grace Roa at Reynaldo Roa dahil sa tinatawag na pag-aarbor ng Kriminal. Ngayon ay nakatakda nang humarap sa korte si Gen. Palparan sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya.

Kung nagkasala siya, natural lang na panagutan niya ito.

D’yan makikita na ang NBI ay hindi nagpapabaya sa kanilang tungkulin, sila ang tinatawag na number one Investigative Arm of the government dahil na rin sa magandang pamumuno ni NBI Director Atty. Virgilio Mendez at lahat ng Deputy Directors at Asst. Director.

Diyan natin makikita na nagseserbisyo sila nang tapat para sa bayan.

Sana naman ang mga mambabatas natin ay ibigay lahat, gumawa ng batas at itaas ang benepisyo at sahod ng mga NBI agent na nagbubuwis ng buhay para sa bayan.

Ang NBI ay walang kinikilingan, Walang kinakampihan, sila’y trabaho lamang at walang personalan.

Sa muli, pinapupurihan ko ang lahat-lahat ng operating unit ng NBI dahil nakikita kong personal kung paano sila magtrabaho.

Sila ang pinakamatatag na ahensiya ng gobyerno na sumusunod at tumutupad sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Keep up the good work, mga bro. Mabuhay ang NBI!

Bilang kapamilya n’yo, I salute you all.

God bless us all!

BOC DAPAT GAYAHIN ANG NBI

Sana ganito ang ginagawa ni Comm. John Sevilla na hanggang ngayon ay bagsak pa rin ang koleksyon, nagkawiwindang-windang ang Bureau of Customs dahil hindi nila malaman kung sino ang susundin. Si Purisima ba o si Sevilla.

Kaya ikaw Mr. Sevilla, gawin mo ang iniatang na trabaho sa iyo ni Pangulong noynoy Aquino.

Huwag kang manakit ng damdamin ng kapwa mo dahil ikaw ay tao rin na kagaya nila.

Pakinggan mo ang hinaing ng bawat empleyado, hindi ‘yung parang lahat-lahat sila ay pinagdududahan mo na corrupt.

Bakit ka kinasuhan ng plunder, ang ibig sabihin ay meron kang ginawa na kabulastugan.

Hindi ko sinasabi na totoo ito pero magnilay-nilay ka. Iba ang pinag-aralan sa abroad, iba rin ang pamamalakad sa Pilipinas.

Talaga naman, maraming garapal sa Bureau of Customs, maraming tarantado, pero hindi lahat.

Buksan mo ang puso mo lalong-lalo na sa may mga karamdaman pero sa totoo lang malaki na rin ang ipinagbago ng Bureau of Customs.

Sumusunod naman sila sa utos at dapat lang talaga na kasuhan at ikulong ang mga corrupt sa BoC kaya naniniwala ako na tama ang ginagawa ng ating Pangulong Noynoy Aquino na repormahin ang BoC.

Kaya ikaw Mr. Sevilla may panahon pa para magbago ka at gandahan ang pamamalakad sa BoC para hindi mag-atrasan ang mga negosyante na nag-aambag para sa bayan, hindi ‘praise release..

PALPAK ANG MRT MANEGEMENT

Grabe itong nangyaring aksidente sa MRT dahil naging biktima na naman ang mga inosenteng sibilyan at maraming nasaktan dahil sa kapalpakan ng MRT Management.

Kaya ito lang ang masasabi sa MRT, ayusin ninyo ang trabaho ninyo, huwag ‘yung puro komisyon ang inaatupag ninyo.

Makonsensiya naman kayo, kaya kung minsan, naniniwala na ako na may corrupt diyan na opisyal.

May panahon pa para magbago kayo!

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …