Saturday , November 23 2024

Justices, transparent sa SALN (Bwelta kay PNoy ng SC)

BINUWELTAHAN ng Korte Suprema ang mga pasaring ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa justices na dapat maging transparent at maglabas din ng kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Magugunitang ibinasura ng Supreme Court en banc kamakailan ang hirit ni BIR Commissioner Kim Henares na makakuha ng kopya ng SALN ng mga mahistrado mula 2003 hanggang 2012.

Tahasang sinabi ni Supreme Court spokesman Theodore Te, transparent ang justices sa kanilang mga kayamanan at handang ilabas ito sa mga nagnanais, sa kondisyong alinsunod sa hinihinging administrative requirements ng hukuman.

“Contrary to what has been reported, the SC Justices have not only been complying with the requirements on the SALN but have made these available upon compliance with the reasonable administrative requirements imposed by the Court,” ayon kay Te.

Katunayan, ilalabas aniya ng hukuman sa Lunes ang talaan ng mga taong nabigyan ng kopya ng SALN ng justices.

Binigyang-diin ni Te na maging ang miyembro ng media at sino mang nagnanais ng kopya ng SALN ng mga mahistrado ay maaring magkakaroon nito.

Nagkaroon ng iringan ang Malacañang at ang Korte Suprema makaraan ideklara ng hukuman na labag sa Saligang Batas ang ilang bahagi ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Dahil sa naturang isyu, sinasabing paraan ng Malacañang na bweltahan ang mga mahistrado ng kataastaasang hukuman sa pamamagitan ng pagbusisi ng kanilang SALN. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *