Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay ng babae isinilid sa maleta

081714 maleta dead
NATAGPUAN ang bangkay ng isang Amerikanang turista sa loob ng isang maleta sa eksklusibong hotel sa resort island ng Bali sa Indonesia habang inaresto naman ang anak na babae ng biktima at ang kasintahan nito kaugnay ng madugong pamamaslang.

Ayon sa lokal na pulisya, nadiskubre ang bangkay ni Sheila von Wiese Mack na nakasilid sa loob ng maleta sa loob ng isang taksing nakaparada sa harapan ng five-star hotel na St. Regis sa upscale Nusa Dua resort area ng Bali.

Walang saplot sa itaas na bahagi ng katawan ang 62-anyos na biktima at maraming sugat sa ulo. Lumitaw na nanlaban ang babae, pahayag ng mga doktor.

Naka-check in ang babae sa nabanggit na hotel kasama ang kanyang anak na babaeng si Heather, 19, at ang boyfriend nitong si Tommy Schaefer, 21, sinabi ng local police chief Djoko Hari Utomo sa mga reporter.

Batay sa mga CCTV footage, nakitang mainit na nagtatalo sina Mack at Schaefer sa looby ng hotel at ng sumunod na araw ay umalis ang magkasintahan kaya naghinala ang pulisya na may kinalaman sa pa-mamaslang ang dalawa.

“Murder ito, pero magdedesisyon kami mula sa aming imbestigasyon kung ito ay premeditated o spontaneous,” ani Utomo.

Ang beachfront St. Regis ay isa sa pinaka-eksklusibong hotel sa Bali na ang mga silid ay nagsisimula sa US$470 isang gabi at may 24-na-oras na butler service, ayon sa website nito.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …