Saturday , November 23 2024

Banana Nite comedian nagtangkang tumalon sa 6/F ng Hotel (Natakot sa banta ng karibal)

PAGBABANTA sa buhay na tinanggap mula sa ex-boyfriend ng kanyang nobya ang dahilan ng tangkang pagtalon mula sa ikaanim na palapag ng isang Hotel ng Kapamilya network comedian na si Jobert Austria, mas kilala bilang Kuya Jobert sa Quezon City.

Naisapatan ng mga residente kahapon ng hapon sa ikaanim na palapag ng Hotel Sogo sa Quezon Avenue, ang komedyante na akmang tatalon pero napigilan ng mga nagrespondeng bombero.

Ayon kay Eric Nicolas, isa rin komedyante ng Kapamilya network at kaibigan ni Kuya Jobert, nakita niyang tali lamang ang kinakapitan, konting galaw ay mahuhulog ang komedyante.

Sinabi ni Nicolas, anim na bombero ang humila kay Kuya Jobert papasok sa loob ng kuwarto.

Napag-alaman na hiniling ni Kuya Jobert na puntahan siya sa hotel ni Direk Bobot Mortiz, makalipas ang sandali ay dumating si Badgie Mortiz, anak ng direktor na kasamahan niya sa Banana Nite.

Sinabi ni Badgie, nag-text sa kanya si Kuya Jobert, tulungan siya dahil may papatay sa kanya na nag-aabang sa labas.

Dakong alas-2:40 ng hapon, lumabas ng hotel si Kuya Jobert matapos mapakalma pero nagsisisigaw naman nang kunin na siya ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), kalauna’y pumayag na rin sumakay sa police mobile nang samahan ng isang kaibigan.

Sinabi ni Kuya Jobert, tinawagan siya ng girlfriend niya, pinayuhang umalis sa condominium unit dahil papatayin ng kanyang ex-boyfriend, kaya nagpasyang magtungo sa hotel pero may tracking device sa cellphone, natunton siya ng lalaki, nataranta hanggang nagtangkang tumalon.

Nasa QCPD Station 10 si Kuya Jobert habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Inaalam kung magsasampa ng reklamo ang pamunuan ng hotel dahil sa tensyon na naganap.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *