UMABOT sa 7,511 Filipino sa Saudi Arabia ang nakapagparehistro na sa overseas voting para sa darating na 2016 elections.
Ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh na pinamumunuan ni Ambassador Ezzedin Tago, ito ang kabuuang bilang nang umpisahan nilang pagpaparehistro simula pa noong Mayo 6 at nagtapos noong Agosto 13.
Dagdag niya, hindi sila humihinto araw-araw at may 400 bagong registrants silang naipaparehistro kada araw para sa overseas voting at sila ay may limang encoders para sa overseas voting registration.
Sinabi pa ni Tago, ang mataas na bilang ng mga nagparehistro ay resulta ng inisyatibo ng Department of Foreign Affairs na isama ang pagberipika ng registration status para sa mga kumukuha ng passport renewal at iba pang consular service.