SI Ale ay isang European eel, katulad ng igat na ito. (VISUALS UNLIMITED/CORBIS)
IKINALUNGKOT sa Sweden ang ulat na binawian na ng buhay ang itinuturing na ‘world’s oldest known European eel’ kamakailan, sa gulang na 155, makaraan malagpasan ang dalawang world wars, Cold War, disco, punk, grunge, at advent ng Internet.
Ang igat na si ‘Ale’ ay inihagis sa balon ng isang cottage sa bayan ng Brantevik noong 1859, ng isang batang lalaki bilang pagsunod sa common practice sa panahong iyon, upang kainin ang mga insektong magkokontamina sa pinagkukunan ng tubig.
Si Ale na may malalaking mata kaya nababagay manirahan sa madilim na lugar, ay naging long time celebrity sa Sweden.
“It was uncanny when we took off the lid and saw it in pieces. It had apparently been there for a while and had basically boiled,” pahayag ni Thomas Kjellman, kasalukuyang may-ari ng cottage, ayon sa ulat ng The Local ng Sweden.
Ang European eels, kasalukuyan nang ikinokonsiderang ‘endangered’ ng International Union for Conservation of Nature, ay humahaba nang hanggang ilang talampakan, at karaniwang nabubuhay nang 10 hanggang 20 taon.
Ayon sa local reports, ang labi ni Ale ay isasailalim sa pagsusuri ng mga eksperto, upang mabatid kung ano ang naging sanhi ng mahaba niyang buhay.
Samantala, si Ale ay may kasamang ibang igat sa nasabing balon, at kasalukuyan pa ring naroroon, tinatayang 110-anyos na. (http://news.discovery.com)