Saturday , November 23 2024

Resignation ng NFA chief ibinasura ni Kiko (Extortion case vs Juan pakana ng tinamaan ng reporma)

PHILIPPINES-ECONOMY-COMMODITIES-RICE

TINANGGIHAN ni Presidential Assistant for Food Security Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) Administrator Arthur Juan.

Ang paghahain ng courtesy resignation ni Juan ay kasunod nang alegasyong extortion sa isang rice trader sa Bulacan.

Sinabi ni Pangilinan, hinikayat niya si Juan na manatili muna at hintayin ang imbestigasyon.

“Kinombinsi natin si Mr. Juan na ‘wag munang magbitiw antayin muna ang resulta ng imbestigasyon,” ani Pangilinan.

Ang paratang aniya kay Juan ay bahagi lamang ng harassment dahil sa kampanya nila laban sa rice smugglers.

Una rito, naghain ng kasong extortion ang isang Jomerito “Jojo” Soliman, isang rice trader sa Bulacan, laban kay Juan.

Sa kanyang sworn statement sa NBI, sinasabing umaabot sa kabuuang P15 million ang na-extort sa kanya ni Juan at ng kanyang assistant na si Atty. Patricia Galang.

Aniya, tig-P5 million sina DILG Sec. Mar Roxas, Sec. Pangilinan, at ang administrador.

Noong Hulyo ay ni-raid ang warehouse ni Soliman sa Malolos, Bulacan at nanguna pa ang nasabing mga opisyal.

Mariing itinanggi ni Juan ang naturang alegasyon.

Si Juan ay dalawang buwan pa lamang sa pwesto.

Mariin ding itinanggi ni Pangilinan ang akusasyon, kasabay nang pagsasabing desperado lamang ang rice trader.

EXTORTION CASE VS JUAN PAKANA NG TINAMAAN NG REPORMA

NANINIWALA ang Malacañang na pakana lang ng mga naiipit sa isinasagawang mga reporma sa National Food Authority (NFA) ang kasong extortion na isinampa ng isang negosyante laban kay NFA Administration Arthur Juan at assistant niyang si Atty. Patricia Galang.

Ayon kay Presidential Assistant on Food Security Francis Pangilinan, hindi niya tinanggap ang pagbibitiw ni Juan makaraan ireklamo na nangikil ng P15 milyon ni rice trader Jojo Soliman sa National Bureau of Investigation (NBI).

Iginiit ni Pangilinan, nakikipagtulungan ang kanyang tanggapan sa imbestigasyon at igagalang niya ano man ang magiging resulta nito.

Sinabi ni Soliman sa kanyang reklamo, kinikilan siya ni Juan ng P15 milyon, tig-P5 milyon sina Pangilinan, Interior Secretary Mar Roxas at Juan, kapalit nang pagbabasura ng kaso laban sa kanya ng NFA.

Ngunit itinanggi ng mga opisyal ang akusasyon ni Soliman.

Matatandaan, sinuspinde ng NFA ang license to trade ni Soliman makaraan sampahan ng mga kasong paglabag sa Price Act at paghalo ng animal feeds sa imported Thai rice at ibinebenta ito bilang “Sinandomeng rice” sa pamilihan.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *