Sunday , November 3 2024

Praning nang-hostage ng kaanak (4 araw lasing at walang tulog)

081614 hostage pinsan crime
IKINOBER ng hostage taker na si Melvin Medina ang sarili sa kanyang ini-hostage na pinsan habang nakikipagnegosasyon ang mga opisyal ng pulisya at mga kaanak sa suspek sa Maximana St., Brgy. Baesa, Quezon City kahapon. (ALEX MENDOZA)

INI-HOSTAGE ng isang lalaking apat na araw nang lasing at walang tulog ang kanyang tiyuhin at pinsan kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang hostage-taker na si Melvin Medina at ang mga biktima na sina Doroteo Querubin, pinsan; at Marvin Caag, tiyo; na nagtatrabaho at nagkukumpuni sa isang bahay sa Maxima St., Villa Matilde, Baesa, Quezon City.

Dumating ang suspek sa ginagawang bahay ng biktima, apat na araw bago maganap ang hostage taking.

Pahayag ng mga biktima, sapol nang dumating si Medina ay laging lasing at hindi natutulog.

Kahapon, ini-hostage, ni Medina ang dalawang kaanak na armado ng kitchen knife.

Nabatid na hiniwalayan ng kanyang asawa ang suspek at madalas niyang ikinukuwento kapag nalalasing.

Makalipas ang ilang oras, naaresto ang suspek at nailigtas ang mga biktima.

Ayon kay Quezon City Police District Station 3 commander, Supt. Ariel Capocao, hindi sinaktan ng suspek ang mga hostage pero sinugatan ang kanyang sarili.

Nakapiit si Medina sa QCPD Station 3 habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *