Kinalap ni Tracy Cabrera
NABINGWIT ng isang lalaki ang masasabing pinakamalaking opah, o moonfish, sa kasaysayan ng professional fishing.
Ang kakaibang huli na may bigat na 181 libra ay nabingwit ni Joe Ludlow at sa pagkakasumite sa International Game Fish Association (IGFA), masa-sabing ito ay isang world record. Lumampas ang nahuling opah ni Ludlow sa kasalukuyang record na 18 libra. Inilista din ng asosasyon bilang ‘all-tackle world record’ ang nabingwit na 163-librang opah na nahuli noong Oktubre 1998 sa dalampasigan ng San Luis Obispo sa Central California.
Ang opah (tinatawag ding moonfish, sunfish, kingfish, redfin ocean pan, at Jerusalem haddock) ay malalaking pelagic lampriform fishes na binubuo ng maliit na pamilya ng Lampridae. Dalawang buhay na species nito ang matatagpuan sa iisang genus: ang Lampris.
Pambihirang nabibingwit ang mga opah at tinuturing itong mga prized trophies para sa mga deep-water dahil sa kanilang laki at magandang porma na kahintulad ng butterfish (pamilya Stromateidae) na wala naming relas-yon sa kanila. Pareho silang may falcated na mga pectoral fin at nagsangang mga caudal fin. Bukod sa pagiging mas malaki kaysa butterfish, ang mga opah ay may malalaking na umaabot sa 14 hanggang 17 ray.