Friday , December 27 2024

P-Noy bukas sa term extension

00 Bullseye Ruther

BIGLANG nag-iba ang ihip ng hangin sa mundo ng politika nang magpahayag si Pres. Noynoy Aquino na bukas na siya sa isyu ng charter change at term extension.

Sa isang panayam sa telebisyon, inamin ni P-Noy noong Miyerkoles na payag na siyang amyendahan ang Konstitusyon. Ang rason ay para masupil daw ang labis na kapangyarihan ng hudikatura na sumisira umano sa balanse ng tatlong ahensya ng pamahalaan.

“Napaisip ako talaga, iyong tinatawag na judicial reach. Iyong Kongreso, iyong executive, kumilos kayo. Pero anytime, puwede namin kayong kastiguhin,” ang paglalarawan ni P-Noy sa kapangyarihan ng hudikatura.

At ang matindi sa pahayag ng Pangulo ay handa na raw siyang makinig sa kanyang mga “boss,” ang mga mamamayan, na mapalawig ang kanyang termino at muling kumandidato.

Malamang ay biglang nabilaukan o nahulog pa sa kanilang kinauupuan ang ibang mga kalaban sa politika nang marinig ang sinabing ito ni P-Noy.

Posibleng nakikinig na naman ang Pangulo sa mga damuhong dakilang sipsip na nakapaligid sa kanya, na hindi marunong mag-isip at pansariling interes lang ang iniintindi.

Kung kakapunin ni P-Noy ang hudikatura at muling tatakbong pangulo ay baka lumabas na diktador siya na tulad ng yumaong Pres. Ferdinand Marcos.

Aminado ang Liberal Party (LP) na si P-Noy pa rin ang pinakamalakas nilang kandidato.

Bumaba man ang kanyang ratings ay tiwala pa rin sa kanya ang marami sa ating mga kababayan.

Malamang na pumalag si Vice Pres. Jejomar Binay sa oras na itinuloy ni P-Noy ang pagtakbo sa 2016 presidential elections. Kompara kay Binay na nangunguna sa mga survey ay mas tiwala pa rin ang mga tao sa sinseridad ni P-Noy, mga mare at pare ko, at sa mga pagsisikap niya para mapangalagaan at mapaunlad ang ating bansa.

Tandaan!

***

ANG pangulo ay puwede lang maglingkod ng isang termino na nagtataglay ng anim na taon.

Ito ang magsisilbing balakid na dapat amyendahan sa Konstitusyon. Kakailanganin ang boto ng three quarters ng Kongreso at pagbuo ng constitutional convention sa pag-amyendang gagawin. Sinubukan itong gawin ng ibang naging pangulo pero kinondena sila ng publiko.

Ano ang lamang ni P-Noy sa kanila, mga mare at pare ko? Bukod sa higit na nakararami ang bilang ng mga kaalyado ni P-Noy sa Kongreso at Senado ay malakas ang hatak niya sa mga mamamayan, na hanggang ngayon ay nariyan pa rin para sumuporta sa kanya.

Manmanan!

***

SUMBONG: “Totoo po may mga sauna bath sa Binondo na sex for sale ang masahista. Ang Barcelona ay may special offer noon, dalawang babae sa isang kostumer. Paliliguan pa bago paligayahin. Minsan ay nakita ko rin na may mga pulis na ang saya-saya nang lumabas sa Top

Royal. Walang silbi mga pulis dito sa station 11. Bakit kinukunsinte nila mga sauna bath?”

Nananawagan tayo sa hepe ng MPD Station 11 na paki-check kung totoo itong “sex for sale” raw sa sauna bath diyan. Baka pinagkakaperahan na iyan ng bata mo nang hindi mo alam.

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *