Thursday , December 26 2024

Kuto talamak sa batang mag-aaral

081614 kuto

BATID n’yo bang tinatayang 9 milyong batang mag-aaral na Filipino ay natuklasang may kuto noong taon 2000? Noon, ito ay kumakatawan sa 84 porsiyento ng populasyon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila at ibang mga lalawigan. Ito ay nabatid sa pagsasaliksik na isinagawa ng Department of Education at ng University of the Philippines.

Malaking problema ito dahil ang kuto ay ikinokonsiderang pinakamalaking health concern sa mga mag-aaral, pito hanggang 12-taon gulang, kasunod ng pagkasira ng ngipin.

Ngayong taon 2014 na mas malaki ang populasyon ng mga mag-aaral, higit na malaki ang tsansang kumalat ang kuto sa mga bata. At dahil pinatitindi ng tropical climate ang pangangati ng ating anit, maraming mga mag-aaral ang nagkakamot ng kanilang ulo, at posibleng mailipat ang kuto at lisa mula sa kanilang kuko sa buhok ng kanilang mga kaibigan, kalaro at kaklase, gayon din sa personal na gamit katulad ng suklay, hair accessories, at maging sa mga gamit sa paaralan katulad ng PE, at sports uniforms, sa jackets at sweaters. Sa mga estudyanteng nakikitulog ay maaaring makuha ang kuto sa unan at kumot.

Ang paaralan ay isang lugar na maaaring magkaroon ng close physical contact ang mga estudyante nang matagal na oras. Ito ay pagkakataon para sila magkahawaan sa kuto. Ang mga batang mag-aaral na may kuto ay kadalasang nalalantad sa social stigma at kahihiyan – at hindi n’yo nais na maranasan ito ng inyong mga anak. Sa kabutihang palad, may ilang mga hakbang na maaaring gawin ang mga magulang upang mapigilan, makontrol at masugpo ang kuto. Kabilang dito ang:

PAGTUTURO SA MGA ANAK NG WASTONG PARAAN NG PAGLILINIS NG SARILI

Kabilang dito ang regular na paghuhugas ng buhok ng shampoo at conditioner. Dapat din silang turuan na umiwas kung posible, sa paghiram ng personal na gamit ng kanilang mga kaibigan at kaklase.

Senyales at sintomas

Ituro sa inyong mga anak na ang pangangati ng anit ay maaaring senyales na sila ay may kuto at dapat nila itong agad ipaalam sa inyo. Ang iba pang mga sintomas ay pakiramdam na may gumagalaw sa buhok at anit, bunsod nang paglalakad ng mga kuto sa ulo; pagkairita at hirap makatulog; pagkakaroon ng pantal sa anit, leeg at balikat; at pagkasugat ng anit bunsod ng pangangamot; at ang maliliit na puti-puti sa buhok na hindi matanggal sa pag-brush lamang – o kailangan ng pinong suklay o kuko para maalis – ay posibleng mga lisa.

PANATILIHING WALANG KUTO ANG DAMIT AT LINEN

Kailangan ng kuto at lisa ang katamtamang temperatura lamang – katulad ng temperatura ng human scalp – upang mabuhay. Sa paglalaba ng damit, kumot at iba pang bed linen sa mainit na tubig ay mamatay ang kuto at lisa na naiwan dito. Siguruhing naka-high heat ang dryer upang mapatay ang kuto at lisa. Kung ang tela ay sensitibo sa regular washing, sa dry cleaning ay maaaring mamatay ang kuto at lisa. Ang personal na gamit na hindi maaaring hugasan ay maaaring ilagay sa loob ng plastic bag sa loob ng dalawang linggo – ang kuto at lisa ay hindi magtatagal kung wala sa anit at sila ay mamamatay sa period na ito.

PANATILIHING MALINIS ANG BAHAY

Ang regular na pag-vacuum at paglilinis ng bahay lalo na ang sahig at furniture na maaaring ginamit ng taong may kuto, ay makatutulong na mapababa ang tsansa ng pagkalat ng kuto sa bahay.

PUMILI NG EPEKTIBO AT LIGTAS NA HEAD LICE TREATMENT SHAMPOO

Ang Licealiz ay napatunayang ligtas at epektibo sa pagsugpo ng kuto sa mga bata at matanda. Pinapatay nito ang kuto dahil sa natural na sangkap mula sa chrysanthemum flowers na tinatawag na Pyrethrin. Ito ay madaling gamitin katulad ng regular shampoo. Maghintay lamang ng 10 minuto bago banlawan. Gamitin ito nang dalawang beses kada linggo, sa loob ng dalawang linggo. Makaraan ito, gamitin nang isang beses kada linggo upang mapigilan ang pagbalik ng kuto. Sundin ang label instructions para sa mabisang resulta.

Ang Licealiz ay nagtataglay ng conditioning formula na nagpapalambot at nagpapadulas sa buhok. Gayon din ito ay may Soothing Coolness variant na may menthol para sa cool, refreshing feeling sa anit. Ang Licealiz ay ligtas gamitin ng mga bata mula sa gulang na dalawang taon. Ang isa pang bentahe ng Licealiz, ito ay abot-kaya kompara sa ibang brands. Ang Licealiz ay readily available sa drugstores at supermarkets sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kinalap ng HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *