Monday , December 23 2024

Koreano nag-suicide

PUNO ng dugo nang matagpuan ang isang Korean national sa loob ng kanyang condominium unit sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Angelito de Juan, hepe ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) ng Pasay City Police, ang biktimang si Jong Soo Kim, 44, ng Room 1904, 19th Floor, Antel Building, Roxas Boulevard, ng naturang lungsod.

Sa pahayag ng kasambahay na si Gloria Impas, kina SPO3 Allan Valdez, SPO1 Evaresto Sarngey at PO2 Mario Golondrina, dakong 7:20 p.m. nang umalis siya sa condo unit at naiwan mag-isa sa loob ng kanyang silid ang biktima.

Pagdating kinaumagahan, tumambad sa kanya ang duguang bangkay ng biktima kaya ipinagbigay-alam sa guwardya.

Ayon sa guwardyang si Olayon, wala silang nakitang bisita ng biktima magmula nang umalis si Impas.

Isang kalibre .45 pistol ang natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima kaya inaalam ng pulisya kung nagbaril sa sarili ang Koreano.

Pahayag ng kaibigan ng biktima na si Joe Choi, ilang araw nang dumadaing sa kanya ang kaibigan na may problema sa pera.(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *