Saturday , November 23 2024

Customs employee timbog sa kotong

 081614 customs ukay kotong
ARESTADO ng PNP Criminal Investigation Detection Group (CIDG) at Customs Police ang customs employee na si Ethel Bernas, habang tumatanggap ng malaking halaga mula sa kinokotongang negosyante ng ukay-ukay na si Jane Louise Balse, 39 anyos. (JERRY YAP)

ARESTADO ang isang customs employee habang tumatanggap ng malaking halaga mula sa isang kinokotongang negosyante ng ukay-ukay sa Customs Building, iniulat kahapon.

Kinilala ang customs employee na binitbit ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation Detection Group (CIDG) at Customs Police na si Ethel Bernas, nakatalaga sa Auction Division ng Bureau.

Tinatanggap umano ni Bernas ang P150,000 marked money nang siya ay arestohin ng mga awtoridad.

Personal na kinilala ng biktimang si Jane Louise Balse, 39 anyos, ang suspek na si Bernas.

Sa spot report na hawak ni NAIA Customs police chief Capt. Reggie Tuason, nitong Hulyo 21, naganap ang transaksyon nang magpakilala si Bernas kay Balse bilang officer-in-charge ng Auction Department ng BoC-NAIA, na ang tanggapan ay nasa MIA Road, Pasay City.

Nabatid na tatlong container vans ng ukay-ukay mula Hong Kong at Amerika,  ang ipasusubasta ng Bureau na nagkakahalaga ng P400,000 kada isang container.

Ilang araw lamang ay nakapagbigay agad si Balse ng P270,000 kay Bernas at makalipas ang ilang araw muling tumawag para humihingi na naman ng P730,000 para raw mailabas na ang mga ukay-ukay.

Ang pagbigay ni Balse ng malaking halaga ng salapi ay nasaksihan ng kanyang mga testigo na sina Dianne Abitona, isang dating customs employee; Bay Pura, customs employee; at dalawang kamag anak ni Bernas na sina Aderlyn De Guzman at Johnson Latawan.

Ilang araw pa ang lumipas ngunit, hindi pa rin mailabas ang container dahil may dokumento pang kailangan na hinihingi ang tanggapan ni DSWD Sec. Dinky Soliman kaya muling humingi si Bernas ng P200,000 para umano sa office ng Secretary, at isang Director Aguas, Director Belen at Nanie Kho.

Sa kabila ng halagang naibigay ng biktima, hindi pa rin nailabas ang container at sunod-sunod na linggong humingi si Bernas ng P145,000, nasundan ng P50,000 at P30,000.

Dito na naghinala si Balse kaya agad humingi ng tulong sa CIDG at customs police para isagawa ang entrapment operation sa panibagong P155,000 hinihingi ng suspek.

Ayon sa tagapagsalita ng BoC na si Ms. Charo Logarta, sinabi niyang hindi kinokonsinti ni Commisioner John Sevilla ang ganitong gawain ng kanyang mga tauhan at katunayan may iba pang mga empleyado ng customs ang iniimbestigahan dahil sa mga katiwalian.

Todo-tanggi si Bernas sa mga alegasyon laban sa kanya.

(Gloria Galuno)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *