Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, okey lang tumaba dahil cute naman daw siya

071814 Anne Curtis
ni Roldan Castro

MULING nagsama sa isang pelikula sina Anne Curtis at Cristine Reyes pagkatapos ng kanilang blockbuster adult drama movie na No Other Woman na nagpatalbugan sila sa paseksihan at pakikipagromansahan sa leading man na si Derek Ramsay.

Kakaiba naman ang pelikula nilang The Gifted dahil nakatutuwa at nakakikiliting romantic comedy movie ito with Sam Milby sa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez.

Sinadya talaga na maiba ang pelikulang ito dahil magsasama ulit sina Anne at Cristine. Binasa talaga ni Anne ang script at nang magustuhan niya ay nagsabi siya ng game na.

Challenge kay Anne ang pagtaba niya sa pelikula dahil sa paglalagay ng prosthetics dahil good for three hours lang ito. Pagkatapos niyon, retouch na naman sila.

First time niyang magsuot ng fat suit at gumamit ng prosthetics sa pelikula, kaya naman habang nasa set, ilang electric fans ang itinututok sa kanya dahil sa sobrang init.

Medyo dark comedy daw ito dahil kahit ganoon ang hitsura nila ay maldita silang dalawa. Marami silang patutsadahan, confrontation sa restaurant, sabunutan sa pool. Ultimate talaga ang showdown nina Anne at Cristine.

“Shotgun…nakakatawa. Funny kasi, alam mong nakakatawa ‘yung eksena,” aniya pa.

“Ang ganda ng twist at ang talino talaga ni Direk sa script. ‘Yun lang ang masasabi ko. Ang galing niya magsulat, genius” pagmamalaki ni Anne sa bago niyang pelikula na showing sa September 3.

Tinanong din si Anne kung sinabihan ba siya ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff na ‘wag magpataba. Roon ibinuking ni Anne na rati ay mataba si Erwan, 300 something ang bigat tapos gumanda ang katawan kaya nakare-relate raw ito sa pelikula niya.

Ano ang reaksiyon ni Erwan sa pagtaba niya?

“Wala natatawa lang siya sa hitsura ko. Sinasabi ko nga would you still love me?,” sabay tawa ni Anne.

“Oo naman daw. Cute naman daw ako,” sey niya.

Okey din kay Anne kung sakaling umabot siya sa ganoong paglobo ng katawan after na magkaroon ng four kids dahil alam naman daw niya na cute siya. Basta para raw sa family at kung masaya siya, komportable sa kanyang skin, walang problema.

Tanggap ba ni Anne na may mga eksena siya sa The Gifted na bading ang dating niya?

“Puwede kasi palaban na ang mga… ‘di ba? ‘Yung mga suot. Sabi ko nga, ‘yung ibang mga nagpa-pageant nga, eh! May mga nagco- comment sa Twitter ko, ah ‘yan na ang next na ano ko.. next nila  na gown na pam-pageant. Nakakatawa sila,” sey pa niya.

Nahihirapan ba siya sa mga scene na sine-seduce si Sam?

“Hindi… ay hindi talaga . Ha!ha!ha!,” sagot niya.

Sa open forum ng The Gifted ay tinanong din sina Anne at Cristine kung gifted ba ang leading man nila. Umuo ang dalawa.

Sey naman ni Sam ay proud siya sa pagiging gifted at sa pagiging American side niya.

Okey ba kina Anne at Cristine na magkaroon ng gifted na boyfriend?

“Parang malungkot kasi,” tumatawang sagot ni Cristine

“Yes I agree mas masaya pag gifted ang boyfriend,” pagsang-ayon  naman ni Anne.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …