Sunday , November 3 2024

Sub-con ng Maynilad tostado sa koryente (1 pa sugatan)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaki habang sugatan ang kanyang kasamahan nang madikit sa high tension wire sa gusali ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) habang nagsusukat ng bintana sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng pagkasunog ng katawan ng biktimang si Emmanuel Perez, 32, sub-contractor ng MWSI, at residente sa 4227 Young St., Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Agad nakalabas ng pagamutan ang helper niyang si Dante Tiburana, 42, dumanas ng minor injuries.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Jimmy Armas, naganap ang insidente dakong 1:30 p.m. sa ikaapat na palapag ng MWSI sa EDSA, Biglang Awa St., Caloocan City.

Dahil sa lakas ng koryente, tumilapon ang biktima at tumama sa waiting shed bago bumagsak sa kalsada.

Nakoryente rin si Tiburana pero ’t bahagya lamang.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *