Sunday , November 3 2024

Ombudsman kumilos vs tongpats sa Makati

081514_FRONT

INATASAN ng Tanggapan ng Ombudsman nitong Agosto 5, sina Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay at ang 20 iba pa, na maghain ng kani-kanilang sagot sa mga paratang na grave abuse of authority, grave misconduct at gross neglect of duty na isinampa laban sa kanila kamakailan.

Ang mga reklamo ay isinampa ng grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa pangunguna ni Attorney Renato Bondal na nagsabing pinatungan ng hindi kukulangin sa P1.6 bilyon ang konstrukyon ng Makati City Parking Building simula noong alkalde pa si Vice President Jejomar Binay hanggang sa maluklok ang anak niyang si Jun Jun.

Binigyan ng Tanggapan ng Ombudsman ng 10 araw pagkatanggap sa kautusan ang mga sangkot sa kaso para magsumite ng kanilang counter-affidavit.

Sa kanilang reklamo, sinabi ni Bondal na may P1.6 bilyon ang ginugol sa pagtatayo ng labing-isang palapag na gusali,

Nauna dito isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na gumastos ang pamahalaan ng Makati City ng P2.7 bilyong para sa proyekto.

Ayon kay Bondal, dapat na P245,558, 248 lamang ang ginugol para sa gusali batay sa pagtaya ng National Statistics Office (NSO) ng tamang presyo ng konstruksyon noong panahong ginawa ang proyekto.

Nakatakdang maghain ng karagdangang reklamo si Bondal upang amyendahan ang naunang demanda na magpapakita ng kabuuang P2.7 bilyon na nagastos sa parking building sa darating na linggo.

Sa kabila nito, sinabi ni Makati City Resident Auditor Cecilia Cagaanan na matuwid lamang ang nagastos nina Binay na halaga sa gusali dahil kailangan tustusan ang pagpapatatag sa building dahil itinayo ito sa di kakagandahang klase ng lupa.

Pinabulaanan ito ni Bondal na nagsabing ang reglamento sa pagtatayo ng mga gusali sa syudad ay magkakahalintulad at walang dahilan para umabot sa P2.7 bilyon ang gastusin sa parking building.

Ani Bondal, iginigiit lamang ni Cagaanan ang dahilang ito para mapawalang-sala siya sa mga paratang.

Idinagdag ni Bondal na ang mga dokumentong hawak niya ay magpapatunay na minaniobra ng dating alkalde at ngayon ay Bise Presidente Binay ang pondo para sa building para sa kanyang sarili at kasama sa mga kasapakat nito si Cagaanan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *