ANG best Feng Shui colors ng inyong opisina ay depende sa industriya o negosyong inyong kinasasangkutan.
KUNG kasalukuyang nagre-redecorate ka ng office space, o pinipintahan ang opisinang iyong nilipatan, ang best Feng Shui colors ng iyong opisina ay depende sa industriya o negosyong iyong kinasasangkutan.
Mahalagang ikonsidera ang tipo ng kapaligiran na iyong nais mabuo sa pamamagitan ng paggamit ng Feng Shui colors sa office space. Kailangan mo ba ng creative, yang space na maraming high-energy work na dapat kompletuhin – katulad ng retail venue, investment office, o advertising agency? Kailangan mo ba ng relaxing environment, katulad ng iyong makikita sa therapist’s office? Ikaw ba ay highly involve sa sales sa loob ng opisina kaya nais mong ang lugar ay makaakit ng maraming tao? Ikaw ba ay nasa bookkeeping o tax firm, na nais mong maipatupad ang pagiging responsable at mapanatiling naka-focus ang iyong mga empleyado sa kanilang mga gawain?
Narito ang ilang common types ng businesses at mga kulay na tugma sa propesyon.
*Accounting firm: white or yellow upang maisulong ang konsentrasyon at paglago.
*Investment firm: white, yellow, blue, or green para sa pagtitiwala at mga oportunidad.
*Bank: white or beige
*Artist’s studio/graphic design agency/creative environment: multiple colors, bright colors, or all-black or all-white, para sa konsentrasyon at pagiging malikhain.
*Lawyer’s office: white, beige, yellow, green, blue, grey or black
*Academic’s office: dark colors para sa talino at konsentrasyon
*Doctor’s office: calming colors para sa paghikayat sa tiwala, katulad ng blue, green, purple, pink or white (para sa kalinisan)
*Therapist’s office: white (para sa kalinisan at katatagan) or multi-colored, para sa pag-apela sa maraming tao.
Lady Choi