Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2)

diary ng pogi

SHOTGUN WEDING ANG NASUUNGAN NI JAY KAY BABES … AFTER 9 MONTHS MAGKUKUMPARE NA SILA

Shot gun wedding ang sumunod na eksena. Ang alkalde ng bayan na amo ng erpat ni Babes ang nagkasal kina Jay at Babes. Hindi maipinta ang mukha ng dabarkad namin na pagkaasim-asim. Ang isa niyang kamay ay nakaposas sa isang kamay ng kanyang bride. At nasa likuran niya ang magi-ging biyenang lalaki na mistulang isang pulis-BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) na ume-escort sa isang priso-nero.

Nang makapanganak si Babes makaraan ang siyam na buwan na pagbubuntis ay pi-nabinyagan nila ni Jay ang sanggol. Ninong kami ni Bryan.

Sa loob pa lang ng simbahan ay napuna kong panay na ang sulyap sa akin ni Jay. Paglabas namin doon patungo sa restaurant na magiging reception ay pasulyap-sulyap pa rin siya sa akin – at sa sanggol na kalong ni Babes.

“ Sa’n ka ‘kamo ipinaglihi ng ermat mo, Pareng Atoy?” ang biglaang tanong sa akin ni Jay.

“Sa duhat…” sagot ko agad.

“Para kayong pinagbiyak na bunga ng duhat n’yang beybi namin ni Babes… ng inaanak mo,” nasabi ni Jay na ‘di nag-aalis ng tingin sa akin.

Nagkatinginan kami ni Babes.

“S-si Pareng Atoy kasi ang napaglihihan ko, e,” ang naibuwelong tugon ni Babes.

“N-napaglihihan mo si Pareng Atoy? Totoo ba ang lihi-lihi?” tanong ni Jay na mukhang inosenting-inosente.

No comment na lang ako!

(wakas)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …