Sunday , November 3 2024

23-anyos bebot 3 araw sex slave ng FB ex-BF

TATLONG araw na niluray sa condo ang isang 23-anyos babae ng dating boyfriend na nakilala lamang niya sa Facebook, makaraan siyang dukutin ngunit nakatakas ang biktima nang dalhin siya sa tattoo center sa Cainta, Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP provincial director, itinago ang biktima sa pangalang Dianna, 23, at nakatira sa nabanggit na bayan.

Kuwento ng biktima, nitong Sabado ng umaga siya dinukot ng suspek paglabas niya ng kanilangbahay.

Tinutukan siya ng baril, sapilitang isinakay sa kotse at pinagbantaang papatayin.

Sinakal aniya siya at sinuntok sa tiyan kaya siya nawalan ng malay at nagising na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa sa kwarto ng condo unit ng suspek sa Cainta.

Ilang ulit aniya siyang ginahasa ng suspek sa loob ng tatlong araw habang nakagapos at hubo’t hubad sa kama.

Ngunit nitong Lunes ng umaga ay dinala siya sa isang mall sa nabanggit na bayan upang palagyan siya ng tattoo.

Nang malingat ang suspek ay tumakbo ang biktima at sumisigaw na yumakap sa isang sekyu ng mall.

Gayunman, pilit pa rin siyang hinahatak ng suspek ngunit mabilis na tumakas nang tangkang arestuhin ng mga sekyu.

Dagdag ng biktima, matagal na niyang hiniwalayan ang FB boyfriend dahil madalas siyang bugbugin at pinapasubo siya ng baril.

Pansamantalang hindi ibinunyag ng mga awtoridad ang pangalan ng suspek upang hindi mabulilyaso ang isinasagawa nilang follow-up operation. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *