LUMANTAD kahapon sa Pasay City Police ang dalawang operator ng Metro Rail Transit (MRT) na itinuturong responsable sa nangyaring aksidente nang bumangga at lumagpas sa estasyon ang isa sa mga bagon nito na ikinasugat ng 50 katao kamakalawa ng hapon sa Pasay City. Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang mga operator na sina James Duque at Heigin Villa Carlos, at ang pamunuan ng MRT.
Ayon kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, “isasailalim ang dalawa sa imbestigasyon at malamang sa isang linggo pa maisasampa ang kasong kriminal laban sa kanila.”
(JAJA GARCIA)