Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2-anyos baby ginilitan ni daddy

CEBU CITY – Patay ang 2-anyos sanggol nang gilitan sa leeg ng kanyang ama matapos makipag-away sa kanyang misis dakong 6 a.m. kahapon sa Villagonzalo, Brgy. Tejero, Lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktimang si Jasel Ompad, habang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang ama niyang si Robert Ompad, 27, construction worker, sinasabing may nervous breakdown.

Ayon kay SPO1 Victor Ayuman ng Cebu City Police Office, nag-away ang suspek at kanyang misis sa maliit na bagay lamang.

Sa tindi ng bangayan ay umiwas na lamang ang ginang at umalis.

Ngunit lingid sa kaalaman ng ginang, kumuha ng kutsilyo ang suspek, kinarga ang anak na naglalaro sa kanilang sala saka dinala sa pintuan.

Nagulat ang mga kapitbahay nang makitang biglang ginilitan ng ama sa leeg ang sanggol.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis ngunit patay na ang sanggol nang kanilang abutan.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …