Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sariling misis ginahasa mister kalaboso

NAGA CITY – Hindi matanggap ng isang misis na ang mismong asawa niya ang gagawa sa kanya ng kahalayan sa Tiaong, Quezon.

Ito ay makaraan siyang gahasain ng sarili niyang mister.

Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakahiga ang dalawa sa loob ng kanilang kwarto nang kalabitin ng suspek ang biktima at hiniling na sila ay magtalik.

Ngunit hindi pumayag ang biktima kaya pinuwersiya siya ng kanyang asawa.

Sapilitang hinubaran ng 36-anyos salarin ang 38-anyos biktima tuluyang ginahasa ang ginang.

Nanlaban at nagmakaawa ang biktima sa kanyang asawa ngunit hindi siya pinakinggan at ipinagpatuloy ang panghahalay.

Pagkaraan, luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima.

Agad inaresto ng mga awtoridad ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong marital rape.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …