Sunday , November 3 2024

Pamangkin ng Cabinet member, na-gang rape nga ba sa Bulacan?

00 AbotSipat ArielMAY narinig akong tsismis na hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi pumuputok sa mediamen sa Bulacan. Nagtanong nga sa akin ang kaibigan kong taga-NBI na si alyas “Kamote” kung bakit hindi pa lumalabas sa mga diyaryo ang paggahasa ng apat na lalaki sa pamangkin ng isang miyembro ng Gabinete ni P-Noy.

Sabi ni Kamote, noong Hunyo pa nangyari ang krimen sa Agatha Resort na pag-aari ni Mayor Ambrocio “Boy” Cruz ng Guiguinto, Bulacan. Ang biktima, itago natin sa pangalang Juliet, 17 anyos, at tubong Pulilan, Bulacan, ay nakipag-inuman daw sa kanyang boyfriend na si Romeo kasama sina alyas John, alyas Clark, at alyas Jeff sa isang kuwarto sa nasabing resort.

Nang malasing daw si Juliet ay sinimulan na siyang “papakin” ni Romeo. Gustong pumalag ni Juliet pero hilong-hilo siya hanggang maramdamang “pinapapak” na rin siya nina John, Clark at Jeff.

Nang matauhan, kaagad nagsumbong si Juliet sa kanyang mga magulang at siyempre, nang malaman ni Cabinet member ang masaklap na nangyari sa kanyang pamangkin ay agad niyang inutusan ang NBI para imbestigahan ang krimen.

Sa Bulacan pa rin, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ay magsasagawa ng symposium ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ukol sa kasaysayang kultural ng lalawigan bukas (Biyernes) bandang alas-8:00 ng umaga sa Dambana ni Marcelo H. Del Pilar sa San Nicolas, Bulakan, Bulacan.

Ang nasabing seminar na pinamagatang “Kuwentong Bayan: Ang Kultura at Sining ng Lalawigan ng Bulacan sa Gitna ng Himagsikan,” ay naglalayong magbigay kaalaman ukol sa mga awiting Kundiman, lutong Pinoy at mga tula at akda noong panahon ng rebolusyon ng mga Pilipino.

Ayon kay NHCP Bulacan-Zambales Head Alex Balagtas, ang symposium ay isa sa mga aktibidad ng NHCP para sa isang buwang padiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na naglalayong paigtingin ang kamalayan ng mga kabataan sa pagpapahalaga ng kasaysayan sa pamamagitan ng simpleng seminar.

Sabi pa ni Balagtas: “Lagi nating itinatatak sa mga kaisipan ng bawat kabataan ang kahalagahan ng ating kasaysayan at kultura dahil ito ang huhubog sa ating lipunan at ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa kasaysayan ang ating tanglaw sa magandang kinabukasan.”

Ang pangkasaysayan at pangkulturang aktibidad ay magtatampok kay Bb. Rheeza Santiago-Hernandez, isang kilalang personalidad sa larangan ng teatro at pagluluto, na magbabahagi ng kanyang mga kaalaman at saloobin ukol sa kultura at artistikong aspekto ng rebolusyon sa bansa.

Kaugnay ng temang “Aral ng Kasaysayan, Tanglaw ng Ating Kinabukasan,” ang seminar ay dadaluhan ng mga mag-aaral ng Education, Tourism and Hotel & Restaurant Management mula sa Bulacan State University-Meneses Campus at Centro Escolar University.

Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *