Hi Francine,
Ano ba ang pwede mong i-advice sakin about sa sex dahil pati ‘yung sister-in-law ko ay gusto ko ring maka-sex, gusto kong subukan siya, kaso may kaba akong naramdaman. Baka ayaw niya pero nahawakan ko na kasi boobs niya dati.
MARK
Dear Mark,
Para isipin ang sex ay sadyang normal lang dahil tayo ay “sexual beings.” Ginawa tayo para magparami kaya sa ayaw at gusto natin ay ‘di maiiwasang maisip ang sex.
Pero kung panay ang isip mo sa sex at hindi mo ito makokontrol ay talaga namang mahihirapan kang kumilos at gumawa ng mga dapat mong gawin.
May ilang paraan para maiwasan mo maisip ang sex at tuluyan mong makontrol si Manoy kahit mahilig.
1. Kelangan mong isipin ano ba yung nagtritrigger sa’yo o nagiging dahilan bakit ka nakakaisip ng sex, sa pagkakataong ito ay yung sister-in-law mo.
2. Kelangan mong iwasan kung anuman ang nagtritrigger sa’yo, kelangan mong iwanan ang sister-in-law mo.
3. Magsuot ka ng kahit ano na magreremind sa’yo na kelangan mong kontrolin ang nararamdaman mo. Maaaring ‘yung wedding ring ninyo ni Misis ay pwedeng maging distraksyon kapag ikaw ay nakaisip ng sex pag nakita mo si sister-in-law. Para lang mawala sa sex ang focus ng utak mo.
4. Isa pang paraan para makaiwas kang magkasala ay magkaroon ka ng ibang gawain, pwedeng mag-gym ka, umattend ng bible study o kaya kung may mga anak ka ay makipaglaro ka sa kanila o ipasyal mo sila.
5. Imbes isipin mo na makipag-sex sa iba, bakit hindi kayo ni Misis ang mag-experiment sa isa’t isa, mag-try kayo ng ibang sex position.
Ikaw ay may asawa na, ikaw ay committed na kay Misis. Kaya kahit na sabihin mong mas sexy o maganda si sister-in-law ay kelangan mong siyang iwasan dahil baka mamaya kung may mangyari sa inyo kahit sabihin mong gusto pa niya ay paniguradong magiging dahilan yan ng away ninyo ni Misis at baka maghiwalay pa kayo. Kaya ikaw na ang gumawa ng paraan para hindi ka na magsimula ng problema.
Good Luck.
Love,
Francine
Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]