Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga balyena nagtanghal sa New York

081414 balyena humpback whale

MAS marami ang nagsusulputang mga balyena sa Monterey, California para magtanghal ng kanilang sayaw sa baybayin ng New York at New Jersey.

Dalawang linggo nang animo’y nagsasayaw ang kamangha-manghang mga humpback whale sa kanilang feeding display na ikinatuwa ng mga whale enthusiast. Ipinaliwanag ang pagsdagsa ng nasabing mga dambuhala sa pagkain nila ng menhaden.

Inilarawan ng mga eksperto ang East Coast phenomenon bilang unique dahil marami pang mga humback ang naglilitawan at nananatili sa baybayin kung ihahambing sa nakalipas na ilang dekada, ito ay ayon sa research group na  Gotham Whale.

Pinunto ng grupo na sa ngayon ay mas malinis ang tubig na dumadaloy sa Dagat Atlantiko mula sa New York Harbor kaysa dati.

Pinaniniwalaang ang malinis na tubig ang responsable para pamugaran ng mga bait fish ang nasabing lugar, at nagresulta ito sa pagdagsa ng mga balyena na paboritong pagkain nila at kailangan pa nilang puntahan sa kanilang feeding grounds malapit sa Cape Cod o Maine.

“Dati’y polluted ang tubig na nagmumula sa ilog, subalit sa nakalipas na limang taon ay luminaw ang tubig, mas marami ang nutrients nito, at halos wala nang basura,” ani Paul Sieswerda, direktor ng Gotham Whale, sa pahayagang Guardian.

Ang menhaden, na tinaguriang bunker ng mga lokal na mangingisda, ay may average na habang 6 hanggang 8 pulgada.

Dahil din sa maraming menhaden at balyena, sinasabing dumarami din ang bilang ng mga pating na nakikitang nagpapatrolya sa dagat. Dumami rin ang po-pulasyon ng mga harbor seal malapit sa Staten Island mula sa 10 noong 2006 sa 66 ngayong taon.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …