Saturday , November 23 2024

Magkakarne inatado ng sekyu (Nahuling katalik ng dyowa)

081414 adultery knife

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang meat vendor makaraan tadtadin ng saksak ng security guard nang maabutan ang biktima habang nakikipagtalik sa kinakasama ng suspek sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Isagani Padernal, 32, residente ng Block 19, Nagpayo St., Pasig City.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Jeffrey Gumales, 28, ng  #1 Marcelo St., Road 10, Brgy. North Bay Blvd. South, Navotas City, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Exequiel Sangco, naganap ang insidente dakong 11:20 p.m. sa inuupahang bahay ng suspek at ng kinakasama niyang si Raquel Padilla, 30-anyos.

Ayon sa imbestigasyon, batay sa salaysay ng isang testigo, nang dumating ang suspek sa kanilang bahay ay nahuli sa akto ang kanyang kinakasama habang nakikipagtalik sa biktima.

Bunsod nang matinding galit at selos, kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Itinanggi ng ginang na nahuli siya ng suspek habang nakikipagtalik sa biktima at idiniing wala siya sa kanilang bahay nang maganap ang insidente.

Napag-alaman din sa imbestigasyon, bago nagsama ang ginang at ang suspek ay dati nang karelasyon ni Padilla ang biktima.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *