Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-18 labas)

00 ligaya

NASUKOL NI DONDON SI LIGAYA SA APARTMENT AT WALA NANG NAGAWA ANG BABAE KUNDI ESTIMAHIN ANG LALAKI

“Ayaw lumabas ni Joy, e…” ang sabi ng GRO na si Nikki na umestima kina Dondon at Popeye. “Balik na lang kayo bukas.”

Kinuha ni Dondon ang cellphone number ni Ligaya pati na rin ang kay Nikki.

“Kokontakin ko kayo ni ‘Gaya, ha?” pag-aabiso niya sa kausap na GRO.

“Okey lang…” ngiti nito.

“Anong oras ba ang pasok n’yo sa club?” naitanong ni Dondon.

“Seven p.m.,” ang sagot sa kanya ni Nik-ki.

Bago mag-ala-sais ng hapon kinabukasan ay kumakatok na si Dondon sa pintuan ng apartment na tinutuluyan ni Ligaya at ng kaibigang GRO. Si Ligaya mismo ang nagbukas ng pinto. Natigilan ito pagkakita sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagdadalawang-isip na patulu-yin siya sa loob ng paupahang tirahan.

“Hindi mo ba ako pauupuin man lang?” ang sabi ni Dondon sa matamlay na tinig.

“P-pasok ka…” pagbabantulot ni Ligaya sa pagpapaluwag ng pintuan.

Iniabot ng binata sa dating nobya ang supot ng paborito nilang “pancit alanganin” at pandesal. Tiyempo iyon sa paglabas sa sala ni Nikki na galing sa isang kwarto ng dalawang magkadikit na silid ng apartment.

“’Lika, meryenda tayo,” pag-iimbita niya sa GRO.

“Aba, ang swerte ko naman…” tawa nito na bumulatlat sa mga laman ng supot na pasalubong ni Dondon.

Naglabas si Ligaya sa mini ref ng isang family size na softdrinks. Pinuno niya ng inumin ang tatlong baso. At naglagay din ng pancit sa tatlong platito. Si Nikki ang unang lumantak ng kain sa mga pagkaing nakahain sa pabilog na mesita.

“Matagal na kitang kilala sa pangalan, Don…” sabi ng GRO na kaibigan ni Ligaya. “Madalas ka kasing maikwento sa akin ni Joy, e.”

“A-ano’ng sabi n’ya sa ‘yo?” usisa ni Dondon.

“’Kaw daw ang BF ni Joy… noon,” ang mabilis na tugon sa kanya ni Nikki.

“Ngayon ba, e, may kapalit na ba ako sa puso niya?” tanong pa niya.

Nahuli ni Dondon ang pagsenyas ni Ligaya na dapat magtikom ng bibig si Nikki.

“A-ayaw ni Joy na magdaldal ako, e…” anitong tila nangingilag sa katabing si Ligaya.

“Idaldal ang ano?” pangungulit niya sa kausap. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …