To Señor,
Nnginip po ako na ikakasal dw ako kasi raw ay buntis na ako, wala naman po akong lovelife matagal na, bakit ba ganun pnagnip ko? Im Helen, pls hhntayin ko sgot mo senor, TY, (09277756677)
To Helen,
Ang panaginip ukol sa kasal ay simbolo ng bagong simula o pagbabago sa iyong kasalukuyang buhay. Ito ay repleksiyon din ng ilang isyu o mga bagay-bagay hinggil sa commitment and independence. Alternatively, ang panaginip mo ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa feelings of bitterness, sorrow, or death. Ang ganitong mga panaginip ay kadalasang negative at nagha-highlight sa ilang usapin hinggil sa anxiety or fear.
Kapag naman nanaginip na ikaw ay buntis, ito ay simbolo ng aspeto sa iyong sarili o ilang aspeto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal. Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Kung hindi ka naman talaga buntis at walang intensiyong magpabuntis, maaaring ang panaginip mong ito ay dahil lang sa ilang mga bagay na nagsilbing trigger para managinip ng ganito at wala naman talagang significance sa iyo at sa iyong sitwasyon, kaya hindi mo na ito dapat pang isipin.
Señor H.