Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA ‘di malaman ang gagawin sa pagre-regodon ng shows (Bela, itatapat kay Vice Ganda…)

081214 Bela Padilla

ni JAMES TY III

TULOY pa rin ang pag-shuffle ng mga programa ng GMA 7 tuwing weekend, lalo na kapag Linggo, dahil sa pababa nitong rating.

May nasagap kaming balita na ilalagay ng Siete si Marian Rivera sa Sunday All-Stars upang palakasin ang nanghihingalong rating nito kontra sa ASAP 19 ng ABS-CBN.

Tumaas umano ng kaunti ang rating ang pang-Sabadong palabas na Marian nang alukin ng kasal niDingdong Dantes ang aktres. Dahil dito, pinag-guest muli si Marian sa SAS at may feature pa ang dalawa sa Kapuso Mo Jessica Soho kinagabihan.

Ang paglagay ni Marian sa Sunday All-Stars ay magiging pansamantala habang wala pang pinaplanong bagong teleserye ang GMA saKapuso Primetime Queen.

Mula noong umalis sa SAS sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay talagang wala nang init ang show at mas nanganganib ito nang inilagay sa 2:00 p.m.upang bigyang-daan ang mga pelikula ng Siete na isinalin sa Tagalog.

Samantala, isusugal din ng GMA si Bela Padilla sa kanyang bagong drama show na mapapanood tuwing Linggo ng gabi, 9:30 p.m. simula sa August 24.

Nars ang magiging papel ni Bela sa bagong show niya at makakatambal  si Dennis Trillo.

Itatapat ng GMA ang bagong show ni Bela sa Gandang Gabi Vice at sa tingin namin, kakain si Bela ng alikabok dahil talagang mataas ang rating ng show ni Vice Ganda sa Dos.

Nabigo ang ilang mga show ng Siete na talunin ang GGV kaya good luck kay Bela sa kanyang bagong show na tila maganda dahil ito’y tungkol sa problema ng mga doktor sa probinsiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …