Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eric Menk mapupunta sa Alaska

081414 eric menk alaska aces

INAPRUBAHAN na noong isang araw ni PBA Commissioner Chito Salud ang bagong trade sa PBA kung saan sangkot dito ang beteranong power forward na si Eric Menk.

Ipinamigay ng Globalport si Menk sa Alaska kapalit ng dalawang second round draft picks ngayong taong ito.

Ito ang magiging ika-apat na koponan ni Menk na pumasok sa PBA noong 1999 bilang direct-hire ng Tanduay Rhum.

Pagkatapos ay lumipat siya sa Barangay Ginebra San Miguel kung saan napili siya bilang MVP ng PBA noong 2004-05.

Sandaling naglaro si Menk sa ASEAN Basketball League para sa San Miguel Beer bago siya nakuha ng Globalport.

Magiging back-up si Menk kay Sonny Thoss sa ilalim para sa Aces habang nagpapagaling sina Calvin Abueva at Gabby Espinas sa kani-kanilang mga pilay. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …