HINABOL ANG TATLONG KELOT NG ERPAT NG NABUNTIS NA SI BABES
“Diyaskeng bata ito… Bakit tinatakbuhan mo ang iyong pananagutan?” singit ng matandang mangingisda.
“H-hindi po kasi ako sigurado na ako nga ang nakabuntis kay Babes, e.” At saka may anak na po ang babaing ‘yun sa dalawang lalaki na una niyang nakarelasyon,” sabi ni Jay na napakamot sa batok.
“Nasa’n na ngayon ‘yung mga dating boyfriend ni Babes?” naitanong ko.
Napailing-iling si Jay.
“K-kelan ko lang nalaman … P-parang bula na biglang naglaho ‘yung dalawang kelotski. Usap-usapan na baka raw parehong sinementohan sa loob ng drum at saka inihulog sa karagatan. K-kasi nga raw ay umiwas pakasalan si Babes,” aniya sa panginginig.
Walang ano-ano’y hangos na dumating si Bryan sa kubu-kubuhan. Inimpormahan nito si Jay na pasugod daw sa kinaroroonan namin ang erpat ni Babes.
“Galit na galit… At may bitbit na baril,” ang pagsasalarawan ni Bryan sa erpat ni Babes.
Malamang masusukol si Jay ng erpat ni Babes sa kubu-kubuhan. At wala na siyang pagkakataon pang makalayo sa lugar na iyon dahil baka masalubong niya ito sa daan. Ang pinakaligtas na pwede niyang gawing ruta sa pakikipag-hide and seek sa erpat ni Babes ay ang malawak na karagatan. Bunga niyon kung kaya pinakiusapan niya si Tata Simon.
“Itawid-dagat po n’yo ako patungong Batangas. Me kamag-anak ako roon na pwedeng kumupkop sa akin,” pakisuyo ni Jay sa matandang mangingisda.
Ginamit ni Tata Simon ang bangkang gamit sa pangingisda para maihatid si Jay sa pinili niyang destinasyon. Sinamahan namin siya ni Bryan bilang dabarkads at moral supporters niya.
Pumalaot kaming apat sakay ng bangkang may katig. Kaso, biglang nabutas ang ilalim niyon. Unti-unting napuno ng tubig ang bangka at dahan-dahang lumubog.
Nasundan kami sa laot ng erpat ni Babes na umarkila ng isang bagkang de-motor . Tiklo si Jay. Binitbit siya at isinakay sa dala-dala nitong sasakyang pandagat.
(Itutuloy
ni Rey Atalia