HINDI ka lamang gigisingin ng “Barisieur” alarm clock kundi ipagtitimpla ka rin ng kape sa umaga. (http://www.boredpanda.com)HINDI ka lamang gigisingin ng “Barisieur” alarm clock kundi ipagtitimpla ka rin ng kape sa umaga. (http://www.boredpanda.com)
NAGDESINYO ang U.K.-based industrial designer na si Josh Renouf nang maituturing na hari ng mga alarm clock.
Ang kanyang “Barisieur” alarm clock -turned-coffee-machine ay awtomatikong magtitimpla ng isang tasa ng kape kasabay ng paggising sa iyo, kaya ang sariwang amoy ng kape ang iyong agad na malalanghap sa umaga.
Ang coffee maker ang magpapakulo ng tubig at magtitimpla ng kape – ang iyong tanging gagawin lamang ay ang lagyan ito ng tubig, kape at asukal sa gabi bago matulog.
Ipinunto ni Renouf na ang preparation process na ito ay maaaring makatutulong upang makatulog ang user sa gabi; “It encourages a ritual before going to sleep, signalling to the body and mind that it is time to unwind and relax,” isinulat ni Renouf sa kanyang website. (http://www.boredpanda.com)