LEGAZPI CITY – Sugatan ang 84 estudyante ng Technical Education and Skills Dvelopment Authority (TESDA) sa bayan ng Daraga, Albay, makaraan silang mahulog sa upuan kamakalawa.
Sa ulat na ipinaabot ng presidente ng Student Council Organization ng nasabing paaralan na si Kevin Llona, nag-arkila sila ng 400 plastic na upuan mula sa isang tindahan sa bayan para sa kanilang aquaintance ball.
Ngunit habang nasa kasayahan, nagulat na lamang sila nang biglang mahulog ang mga estudyante dahil sa bumigay na mga upuan.
Agad nagreklamo sa pulisya si Llona at ipinasiyasat ang insidente.
Napag-alaman, ang iba sa mga upuan ay depektibo na at sub-standard kaya madaling nasira.
Pinag-aaralan ng mga awtoridad ang posibleng maging pananagutan ng may-ari ng mga upuan. (BETH JULIAN)