Sunday , November 3 2024

6 Indonesian, 2 Pinoy timbog sa puslit na yosi

ANIM na Indonesian nationals at dalawang Filipino ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa illegal na pagpupuslit ng sigarilyo mula Indonesia sakay ng Sarangani Bay vessel sa Malapatan, Sarangani.

Kinilala ang dalawang Filipino na sina Eduardo Crisostomo, 53; ng Uhaw St., Brgy. Fatima, at Elmer Pasculado, 27, ng Brgy. Tambler sa lungsod.

Habang ang anim dayuhan ay sina Frankie Salimlisang, 46; Dalan Carlos, 46; Edward Calindisang, 21; Junior Bordeman, 22; Richard Siryang, 33; at Harsono Odingan, 36, pawang residente ng Tahuna, Indonesia.

Ayon kay Coast Guard Station-GenSan chief, Petty Officer Noli Caspillo, dinakip ang mga suspek nang mapansin ng PCG sa five-nautical miles sa karagatan ng Sapu Masla, Malapatan, Sarangani, sakay sa barkong Marco-3.

Nakompiska mula sa mga dinakip ang 27 kahon ng Garam na sigarilyo mula sa bansang Indonesia. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *