DUMANAS ng second-degree burns sa katawan ang isang 15-anyos dalagita sa Negros makaraan silaban ng kanyang sariling ama nitong Biyernes.
Ayon sa ulat ng pulisya, binuhusan ng ama ang anak ng gas at sinindihan dahil hindi inalagaan ang nakababata niyang mga kapatid.
Nang mahimasmasan sa kanyang ginawa, isinugod ng ama ang kanyang anak sa pagamutan.
Tiniyak ng Children’s Protection Desk ng pulisya na tutulungan ang biktima kung nais niyang sampahan ng kaso ang kanyang ama.
Gayon man, sinabi ng dalagita, panganay sa apat na magkakapatid, bagama’t galit siya sa ginawa ng ama, ayaw niyang makulong ang kanilang padre de pamilya na isang sapatero.