Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romnick Sarmenta, na-challenge sa galing ni Nora Aunor

081314 Romnick Sarmenta Nora Aunor

ni Nonie V. Nicasio

AMINADO si Romnick Sarmenta na kapag si Nora Aunor ang kaeksena mo, dapat ay may extra-effort kang ibibigay para makasabay sa galing niya.

Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Hustisya na na-ging kalahok sa katatapos na Cinemalaya 2014. Nagwagi rito ang Superstar ng kanyang kauna-unahang Best Actress award sa Cinemalaya, recently. Gumanap si Romnick bilang journalist na gustong tulungan si Guy na makapagbagong-buhay dahil miyembro ng sindikatong involve sa human trafficking.

Pangatlo o pang-apat na pelikula na raw ng aktor ito with the Superstar, ito ba ang pinaka-challenging na project na nakatrabaho niya si Nora?

“Paano ba? Mahirap… actually, ang challenge diyan, every time naman na makatrabaho mo si Ate Guy, challenge iyan e. Ibang klase rin siyempre kung umarte iyan e. So, kailangan mong… hindi naman sa tata-patan, pero kailangan mong sumabay kapag kaeksena mo siya.

“So, in a sense challenging siya dahil si Ate Guy ang kaeksena.”

So, dapat lagi kang ready o alisto?

“Dapat, kapag ito naman ang trabaho mo, dapat lagi e. Pero lalo na sa kanya, kasi nga ay unpredictable siyang artista.

“Dapat ay may extra-effort ka kapag mga katulad nina Ate Guy ang kaeksena mo, dapat may extra-effort ka talagang ibibigay.”

Pinuri rin ni Romnick ang triumvirate nina Nora, Direk Joel Lamangan, at ng scriptwriter na si Ricky Lee na si-yang nasa likod ng pelikulang Hustisya.

“Kung kilala nila si Nora Aunor bilang artista, mas malaki ang dahilan nila para panoorin ang pelikulang ito. Kasi, ibang-iba rin naman ito sa mga ginampa-nan ni Ate Guy.

“At saka kung alam nila iyong quality ng gawa nina Direk Joel at Sir Ricky, dapat ay hindi nila ito palampasin. Sa kaso ng trio nina Joel Lamangan, Nora Aunor, at saka Ricky Lee, isa ito sa pelikulang nagbibigay ng katibayan na iba talaga ‘yung samahan nilang tatlo. So, dapat ay pano-orin nila itong Hustisya,” saad pa ng dating child star na sumikat nang husto bilang si Peping sa dating hit TV series na Gulong ng Palad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …