AYON sa retratista, pinatataas niya ang awareness subalit ang nagging resultang outcry laban sa kanyang ‘rape’ fashion shoot ay nagsasabing hindi matanggap ng karamihan ang kanyang pinupunto.
Isang taon nakalipas, naganap ang brutal na pag-abuso at pagpatay sa isang bus sa Delhi, at ngayon ay pinalabas ang isang serye ng mga larawan na nagpapakita sa isang Indiana nakasakay sa bus at nanlalaban sa mga agresibong kalalakihang nakasuot ng high couture at naka-full make up.
Habang ang sinasabi ng retratistang si Raj Shetye na ang kanyang konspeto ay may layu-ning “lumikha ng sining na makakukuha ng reaksyon sa lipunan.”
“Ang mensahe ko ay walang halaga kung sino ang babaeng nabiktima.”
“Hindi nakadepende kung anong baitang sa lipunan ang kinabibilangan niya —dahil maaaring manyyari ito kahit kanino.”
Ang mga larawan ay nai-release ilang buwan lamang matapos magdesisyon ang ItalianVogue magazine na magkaroon ng isang fashion shoot na base sa domestic violence, na ang mga modelo ay nakasuot ng mga damit na idinisenyo ng isang top designer clothing habang nasa eksena ng ‘extreme violence’ mula sa ilang pelikula.
Bukod dito ay nagkaroon na kakaibang anggulo din ang Vice photoshoot na nagpakita ng mga suicide ng sikat na kababaihan.
Ano nga ba ang pakinabang at nakikitang kagandahan sa kababaihang biktima ng karahasan?
Sagot ni Sheyte, hindi para sa commercial gain ang fashion shoot at dahil dito ay walang mga brand name o fashion label ang binigyan ng kredito.”
Perhaps celebrating the women’s strength would send a better message.
Kinalap ni Tracy Cabrera