Sunday , November 3 2024

Kuya ini-hostage 3 utol na paslit (Sinita ni tatay sa inubos na kanin)

BUNSOD nang matinding sama ng loob nang pagalitan ng ama dahil sa pag-ubos sa kanin, ini-hostage ng isang 21-anyos lalaki ang tatlo niyang nakababatang kapatid habang hawak ang isang granada sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Sa pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad, napasuko ang suspek na si Gabriel Villafuerte, walang trabaho, residente ng Diamante St., Deparo North, Caloocan City.

Sa ulat  ng pulisya, dakong 11 p.m. kamakalawa nang maganap ang hostage drama sa loob ng bahay ng pamilya.

Nauna rito, pinagalitan ng tatay niyang si Romeo Villafuerte ang suspek dahil inubos niya ang kanin kaya hindi nakakain ang kanyang mga kapatid.

Dahil nasaktan sa pananalita ng ama, naglabas ng granada ang suspek, ipinasok sa kwarto ang mga kapatid saka ikinandado ang silid.

Nagbanta ang suspek na may masamang mangyayari kapag hindi tumigil sa pagsesermon ang ama.

Agad nakahingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga kapitbahay at napasuko ang suspek.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *