Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-17 labas)

00 ligaya

SA DAGITAB-BOMBILYA NAKILALA NI LIGAYA SI DONDON SABAY LABAS NA HUMAHAGULHOL SA VIP ROOM …

Kinuha niya ang kanang kamay ng da-ting nobya na nakapatong sa kanyang hita.

“Maximiano” ang nadampot niyang pangalan sa pakikipagkamay kay Ligaya.

Naudlot ang pagtawa ng babaing pinag-uukulan niya ng walang kupas na pagmamahal. Pamilyar kasi sa kanilang dalawa ang pangalang Maximiano, ang may-ari ng junk shop sa Dimasalang. At hindi nito basta-basta makalilimutan ang pangalang ‘yun dahil lagi silang dinadaya noon ni “Mang Maxie” sa pagtitimbang ng ibinebenta nilang kalakal.

“M-Maximiano?” ang nasabi ni Ligaya sa mahinang tinig.

Pamaya-maya ay dumating na sa VIP room ang may dala ng pulutan at inumin na inorder ni Dondon. Sinindihan ng waiter ang munting bombilya sa tapat ng mesang inookupahan nina Dondon at Ligaya upang magpapirma ng chit.

Biglang napapitlang sa kinauupuan si Ligaya. Mabilis itong napatayo. Naging maagap naman si Dondon sa pagpigil sa kamay ng dating nobya. Pero pilit nitong binaklas ang kanyang mga braso sa pangya-yakap niya. At umiyak ito na parang isang aping-api.

“Ba’t narito ka? Gusto mo ‘kong ipahiya? Gusto mo ‘kong insultohin?” pagbibintang ni Ligaya kay Dondon.

“H-hindi ko magagawa ‘yun sa ‘yo, ‘Gaya… M-Mahal pa rin kita!” ang naibulalas ng kanyang damdamin.

“Kinalimutan na kita!” sabi ni Ligaya sa matigas na tono.

“Hindi ako naniniwala…” ang maagap na tugon ni Dondon sa babaing itinatangi.

“Pwes, manigas ka!” anito sabay talikod sa kanya.

Dinig ni Dondon ang pahagulgol na pag-iyak ni Ligaya na patakbong lumabas ng VIP room. Hindi niya ito sinundan para hindi magkaroon ng eskandalo. Pero may plano siyang sundan sa pag-uwi ang dating katipan. Aalamin na lamang niya ang address nito upang doon ay malaya silang dalawa na makapag-usap. At kung talagang kinakailangan ay nakahanda siyang suyu-suyuin ito upang patunayan ang kawagasan ng kanyang pag-ibig.

Sinundan ng traysikel na sinakyan nina Dondon at Popeye ang traysikel na naghatid kay Ligaya sa isang komunidad sa Cainta. Nangungupahan pala ang dalaga sa isang maayos-ayos na apartment. Kasambahay nito roon ang isang GRO na kasamahan sa club. Ito ang nakipagharap sa kanila ng kanyang runner-alalay sa gate ng paupahang tirahan. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …