ANG Feng Shui ay hindi lamang tungkol sa pag-aalis ng mga kalat, kundi sa maraming bahay, nakatutulong din ito sa clear-thinking at pagpapanatili sa focus sa iyong mga adhikain. Saan ka magsisimula? Magugulo ang iyong isip sa pagtingin lamang sa mga kalat maliban na lamang kung magbubuo ka ng action plan para ayusin nang isa-isa ang space. Narito ang limang tips:
*Magsimula sa kusina – Inasahan mo bang may mahuhulog na bagay sa tuwing bubuksan mo ang iyong kitchen cabinets. Maglaan ng panahon sa pagsasaayos ng mga gamit at i-reorganize. I-tsek ang expiration dates at itapon ang hindi na mapakikinabangan.
*Mag-focus sa home office – paano mo mahaharap nang maayos ang trabaho sa iyong mesa kung ito ay puno ng mga kalat? Gamitin ang katulad na approach sa kitchen, itapon o ibasura ang shred junk mail, expired coupons, catalogs at lumang magazines.
*Gumawa ng maliit na library. I-evaluate ang iyong mga aklat sa iyong home library katulad ng pag-evaluate mo sa ibang items sa bahay. Ginagamit mo ba ang mga ito nang madalas. Nasisiyahan ka ba sa mga ito? Ang mga aklat na ginagamit mo bilang reference, o aklat na paulit-ulit mong binabasa at nagpapangiti sa iyo, ang nararapat na magkaroon ng lugar sa iyong shelf. I-donate na lamang ang ibang mga aklat sa mga taong maaaring mapakinabangan ang mga ito.
* Go for a photo finish. Ang mga larawan katulad ng mga aklat, ay dumarami. Ang piles ng mga larawan na kailangang ilagay sa album, o ang photo albums na nasisira na, ay nagbubuo ng emotional and physical clutter sa iyong kapaligiran. Suriin ang mga larawan, itapon ang duplicates, at hindi mainam o malabong mga larawan.
*Magbuo ng sankwaryo sa banyo – simulan sa iyong make-up drawer at medicine cabinet. Ang unang hakbang ay alisin ang mga kalat, kabilang ang toiletries, make-up, perfumes at lotions na hindi na ginagamit lalo na ang mga expired na. Makabubuti ring itapon na ang expired na mga gamot upang hindi na magamit pa.
Lady Choi