PATAY ang isang ‘ex-convict’ nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek habang abala sa paglalaro ng computer games sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ronald Bautista, 44, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng #1123 Esmeralda St., Kagitingan, Tondo.
Inaalam pa ang pagkakilanlang ng mga suspek na mabilis tumakas makaraan ang insidente.
Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Marragun, naganap ang insidente dakong 12:55 a.m. sa loob ng Piso Net sa nabanggit na lugar.
Ayon sa misis ng biktima, nakalabas ng kulungan ang kanyang mister noong 2010 dahil sa kasong robbery.
(LEONARD BASILIO – May kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)