Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 60)

diary ng pogi

PUTAHENG LALAWIGAN NAMAN ANG TINIKMAN NG BARKADA NI LUCKY SA KUBO-KUBO

Pasado ala-siyete ng gabi nang umalis ang matandang lalaki. Pamaya-maya lang ay tatlong bebotski naman ang dumating. Ipinakilala sila sa akin nina Jay at Bryan. Naibulong ng dalawang lukutoy na GRO raw sa isang beerhouse sina Marilou at Mary Ann. ‘Yung isa pa na “Babes” ang pangalan ay kabarkada lang umano ng dalawang beerhouse girl. Ito ang tatlong bebotsking ipinagmamalaki nina Jay at Bryan na “magaganda at seksi” kuno.   Pero kung sa pamantayan ko ibabatay ang pagbibigay ng grado sa tatlo, sa kartada diyes ay baka pinakamataas na sa kanila ang kartada sais. At para sa akin, ‘sa tatlo ay ‘yung Babes ang mas may sex appeal.

“Kabisado n’yo naman ang taste ko sa mga bebotski, di ba, Parekoy? “ nasabi ko kay Jay.

“Suplado ka pa, e makikitikim ka lang naman,” ismid sa akin ni Jay.

Nakisalo sa tagayan ang tatlong chikababes. Parang tubig lang kung lumaklak ng alak. Ang dalawa ko namang dabarkads, sa halip na mamulutan ay ‘yung partner nila ang pinupulu-tan. Kay Jay si Babes at kay Bryan ‘yung Mari-lou. Para sana sa akin ‘yung Mary Ann pero wa-type ko.

Pinatay ni Jay ang gaserang ilawan sa loob ng kubu-kubuhan. Saglit siyang umalis sa kinauupuang mahabang bangkong kawayan para dyu-minggel. Noon tumabi sa akin si Babes. Pumuwesto naman si Mary Ann sa dating lugar ni Babes. Kaya ang nangyari, si Babes at ako ang naging magkatabi. At walang kamalay-malay si Jay na si Mary Ann na ang kanyang naka-partner.

Natahimik kaming lahat. Sa pananaig ng katahimikan ay maririnig ang tunog ng mga labing naglalaplapan sa paghahalikan. Kasabay nito ay ang paulit-ulit na pagragasa ng alon sa karagatan, sinalpok-salpok ang haliging kawayan ng kubu-kubuhan, at malakas na niyugyog kaming magkaka-partner. Ay, solve na solve ako sa patikim na kasiyahan!

Makaraan ang mahigit isang buwan ay naibalita sa akin ni Jay na hina-hunting daw siya ng erpat ni Babes. Natatakot ang lukutoy na baka katayin daw siya nito kapag nag-krus ang kanilang landas.

“Gusto ng erpat ni Babes na pakasalan ko siya. Buntis kasi si Babes at ako ang itinutu-rong ama ng sanggol na dinadala niya,” kwento ni Jay sa amin ni Tata Simon. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …