Sunday , November 3 2024

60-anyos lolo dedo sa ligaw na bala

NAGING ligaw na kamatayan para sa isang nagbibisekletang 60-anyos lolo ang bala na dapat sana ay para sa kumakaripas na 17-anyos binatilyo na siyang tunay na target ng naka-motorsiklong suspek sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Nalagutan ng hininga dakong 7:45 a.m. kahapon habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jimmy Fiel, self employed, ng No. 164 Interior Emma St.

Ayon sa imbestigasyon, puntirya ng suspek ang isang alyas Pango, ng Tramo St., Zone 7, Brgy. 60, ng nasabing lungsod, ngunit nakatakas.

Nasakote ng mga awtoridad sa  follow-up operation ang suspek na si Jeric De Asis, 22, ng No. 2300 Tramo St., Brgy 64.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Giovanni Arcnue, nagbibisikleta ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang tamaan ng ligaw na bala sa dibdib dakong 3:14 a.m. sa Tramo St., Zone 7, Brgy. 60.

Inihayag ng testigo, lulan ng motorsiklong walang plaka ang suspek habang binabaril ang tumatakbong si alyas Pango ngunit ang matanda ang tinamaan.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *