Sunday , November 3 2024

Pulis, misis tiklo sa holdap sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Kinasuhan ng robbery hold-up with intimidation ang isang pulis makaraan mangholdap kasama ang kanyang misis sa beauty and body shop sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang pulis na si PO3 Arsenio Segundo, Jr., 34, habang ang misis niya ay si Yummy, 32, kapwa residente ng Isabela.

Ayon sa Aparri-Philippine National Police, nagpanggap na kustomer ang misis bago sumunod na pumasok ang pulis saka tinutukan ng baril ang cashier ng establisimento.

Nang makuha ng mag-asawa ang perang umaabot sa P6,000 ay hinila ng pulis ang cashier patungo sa comfort room ng establisimento upang ikulong at doon sinuntok nang dalawang beses saka binusalan ng packing tape ang bibig.

Pagkaraan ay tumakas ang mag-asawa sakay ng isang kotse.

Ngunit agad nakalabas ng CR ang cashier at nakahingi ng tulong sa katabing establisimento.

Bunsod nito, mabilis na naipaalam sa hotline ng PNP Aparri ang insidente.

Sa hot pursuit operation ng mga pulis, nasundan ang mga suspek sa pantalan ng Brgy. Toran, Aparri nang magduda sa sasakyan na nakaparada roon na may magkapatong na plaka.

Nabatid na nakatalaga ang pulis sa National Capital Region (NCR).

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *