TINIYAK ng Malacañang na nananatiling ‘high in spirits’ at hindi natitinag si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bagama’t nagsimula na ang impeachment proceedings kahapon sa Kamara dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng United States at Filipinas.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hindi nababahala ang Pangulong Aquino sa kinakaharap na impeachment at kompiyansang walang nagawang impeachable offense.
Ayon kay Coloma, hindi nila prayoridad ang pag-monitor sa nasabing proceedings at mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin.
Hindi rin aniya sila kikilos para patayin ang reklamo at hahayaan ito sa diskresyon ng mga kongresista o ng Kamara bilang co-equal branch.