Hello po,
Ako po pala si tey, paki interpret naman po ng dream ko nanaginip po ako na lumabas daw po ako ng bahay tapos may dumapong itim na paro-paro sa may halaman at kinuha ko iyon, nung makuha ko iyon yung paro-paro biglang namatay at unti-un-ting nanlalagas at kumukupos ang mga pakpak nya. Ano pong ibig sabiin ng ganoong panaginip? maraming salamat po (09268211520)
To Tey,
Ang paro-paro ay may kaugnayan sa creativity, romance, joy, at spirituality. Posibleng ikaw ay makaranas ng transformation sa makabagong pamamaraan ng pag-iisip. Ikaw rin ay maaaring sumasailalim o sasailalim sa transitional phase. Isa-alang-alang ang terminong “social butterfly” na naglalarawan ng isang taong popular at outgoing. Ito ba ang iyong deskripsiyon? Kung hindi, maaaring nagsasaad ang panaginip mo na kailangan kang maging outgoing. Alternatively, ang butterfly ay sagisag ng longevity. Ang bungang-tulog mo ay maaaring nagsasabi rin ng pangangailangan ng break sa pagiging abala at demanding na pang-araw-araw na buhay mo. Ito ay maaaring nagpapahayag din sa iyo ng pangangailangan o paghahanap ng peace at quiet sa iyong pamumuhay. Kailangan mo rin ng sapat na panahon upang ma-decompress at ma-restore ang iyong pananalig o pananampalataya. Kapag nanghuli o nanguha naman ng paro-paro, nagsasaad ito ng pagiging superficial mo. Alternatively, maaaring nagsasabi rin ito ng possessive nature. Kapag naman nakakita ng patay na paro-paro, may kinalaman ito sa hindi natutupad na mga mithiin sa buhay.
Ang itim ay simbolo ng unknown, unconscious, danger, mystery, darkness, death, mourning, hate o malice. Ang ganitong kulay ay nagsasabi na dapat mas arukin ang iyong subconscious upang mas makamit ang pag-unawa sa iyong sarili. Nagsasaad din ito ng kakulangn sa pagmamahal at suporta. Maaari rin naman na may kaugnayan ito sa potential and possibilities o kaya naman, ng hidden spirituality and divine qualities.
Señor H.